Isang lalaki na hindi matanggap sa trabaho, siyam na beses nagparetoke para gumwapo

Isang binata sa Vietnam ang siyam na ulit nagparetoke upang matanggap sa trabaho
Sa ating henerasyon ngayon, madalas na nagiging basehan ang panlabas na kaanyuan ng isang indibiwal.

Maraming dahilan kung bakit ginagawa ito ng nakararami sa ngayon. Maaring dahil gusto ng self confidence o gustong magbago ang pananaw sa sarili at maging proud.

May ilan naman na may gustong makamit, tulad na lamang ng isang lalaking ito na nagpartoke upang matanggap sa nais niyang pasukang trabaho.

Sa katunayan, viral ngayon ang lalaking ito sa bansang Vietnam. Isang binatang siyam na beses sumailalim sa operasyon o plastic surgery  dahil ilang ulit siyang hindi tinatatanggap sa nais na pasukang trabaho.

Ang lalaking ito ay nagngangalang Do Quyen na viral na viral ngayon sa Tiktok.

Ipinakita kasi ni Do Quyen ang kanyang hitsura bago niya iparetoke ang kanyang mukha ng siyam na beses.

Hindi makapaniwala ang mga followers niya sa ipinakitang larawan dahil sa napakalaking pagkakaiba nito sa itsura niya ngayon.


Tila ba magkaibang tao ang before and after na mga pictures niya.

Pag aminin ni Do Quyen, ilang ulit niyang naranasan na pagtåwān ng maraming tao at tùksùhìn dahil sa kanyang hitsura.

Nakaapekto na umano ito sa kanyang tiwala sa sarili at self esteem. Dahil  kahit saang kumpanya umano siyang sumubok na mag apply ay lagi siyang umuuwing bigo.

Hindi siya matanggap dahil ang unang nakikita sa kanya ay ang kanyang pisikal na katangian at hindi ang kanyang natural na kagalingan.

Ito umano ang nagtulak sa kanya upang sumailalim sa operasyon ng siyam na beses.

Kabilang sa mga prosesong pinagdaanan ni Quyen ay ang mga sumusunod: rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.

Umabot sa US$17,256 o katumbas ng P847,977 ang kanyang nagastos para sa mga nasabing surgeries.

Pag amin ng binata, tutol sakanyang pagpapa retoke ang kanyang mga magulang ngunit pursigido siyang baguhin ang kanyang katangiang pisikal, hindi para sa ibang tao kundi para sakanyang sarili.
Continue Reading

Charice, Milyon Milyon ang Ginastos para maging si Jake Zyrus

Ibinunyag ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin na malaking pera umano ang nagastos ni Charice upang maging si Jake Zyrus.

Sa pinakahuling live ng online show ni Cristy Fermin na CristyFerminute, ibinunyag ng kolumnista na milyones ang nagastos ni Jake upang makamit ang kanyang pangangatawan ngayon.

Matatandaang nagviral ang larawan na in-upload ni Jake sa kanyang Instagram account kung saan proud na ipinakita nito ang kanyang machong machong katawan.

Umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens at pati narin sa ilang mga showbiz personalities.

Ani Jake, matagal syang humugot ng lakas ng loob upang maibahagi ang larawan niyang ito at proud sya sa nakikita niya sa katawan niya ngayon.

Komento ni Cristy sa trending photo ni Jake, "para lang syang lalaking araw araw na nakatira sa gym na may abs tsaka nagkaroon ng dibdib. Pero alam mo lungkot na lungkot ako talaga ng makita ko 'yan. Isipin mo noh, si Charice noon ganito na ngayon."


Sa dami ng báshers ni Jake sa kanyang post ay hindi na naiwasan ni Cristy na sabihin na wala naman na magagawa ang mga tao dahil ito ang ikaliligaya ni Jake.

"Ano po ang magagawa natin? eh sya na ang nagsasabi na maligaya na sya sa itsura niya ngayon."

Dagdag pa ng batikang kolumnista umubos ng milyones si Charice para sa kanyang itsura ngayon.

"Yung pagiging transgender niya naging matagumpay sya. Ilang milyon ang nagastos ni Charice dyan. Ilang milyon 'yan, isipin mo nakakaloka, na nakakalungkot, na nakakatuwa ewan ko ba!"

Hindi nya umano alam kung saan nya kukuhanin ang emosyon niya dahil naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman.

Nakita raw niya kasi ang paglaki ng singer. Nakita niya ito na batang paslit pa lamang na nakabistida, may hawak na manika at nakatirintas. Ngunit ngayon ay lalaking lalaki na ito.

Pero sana umano ay maging happy na lamang tayo sa na- achieve ni Jake dahil ito ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

Narito ang video:
Continue Reading

Whamos Cruz at Antonette Gail, nakatanggap ng "LOVE TEAM OF THE YEAR" award sa Gobal awards night!

Wagi ang magkasintahang vlogger na sina Whamos Cruz ay Antonette Gail del Rosario bilang 'Love Team of The Year.'

Nag uumapaw sa kasiyanhan ang dalawa nang sila ang tanghalin bilang 'Love Team of The Year'. Ayon sa couple vlogger, hindi ni akalain na sila ang tatanghalin at makakatanggap ng ganoong award.

Labis ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang mga viewers at mga taga subaybay na patuloy na tumatangkilik sa lahta ng kanilang ginagawa.

Sinabi pa ni Whamos na pinaniniwalaan umano ng kanilang mga supporters na kahit ano mang pagsubok ang dumating sa kanilang dalawa ay kayang kaya nilang lagpasan basta magkasama sila ni Antonette.

Matatandaan kasi na noong nakaraang taon na nagsisimula pa lamang ang kanilang pag iibigan ay nabalot ng intriga ang kanilang relasyon. Noong mga panahong iyon ay menor de edad pa ang dalaga.

Umabot pa nga sa programang Raffy Tulfo in Action ang pilit na pagbawi ng ina ni Antonette sakanya mula sa poder ni Whamos.

Sa awa ng Panginoon ay nalagpasan nila ang pasiunok na iyon at talaga namang naipaglaban nila ang kanilang pagiibigan. Pinagpatuloy nila ang kanilang pagsasama at ngayon ay tanggap na nga ito ng kanilang pamilya.

Samantala, kabilang din sa natanggap nilang mga parangal ay ang Phenomenal vlogger at Most Anticipated Beauty Brand by a vlogger. Ito ay para sa kanilang Whamonnete Skin Care na anila ay launching na rin soon.

Hindi naman magkamayaw ang kanilang mga fans sa pag supporta at pag-congratulate sa dalawa.

Narito ang video.

Continue Reading

Nakakalulang koleksyon ng gold bars ni Chavit Singson, ipinasilip sa kanyang mga bisita!


Kakaiba at mamahaling koleksyon ng sikat na politician at negosyanteng si Chavit Singson, trening ngayon.


Isa ang 80-taong gulang na si Luis Crisologo o mas kilala bilang Chavit Singson sa mga sikat at talaga namang namamayagpag ang pangalan sa larangan ng pulitika at pagnenegosyo.


Bukod sa pagiging Gobernador noon ng Ilocos Sur at alkalde sa kasalukuyan, ay nagmamay-ari rin siya ng LCS Group of Companies.


Naging maingay ang pangalan ni Singson ng magdonate ito ng hindi bababa ng 11 million dollars sa ginanap na Miss Universe noong 2017 kung saan Pilipinas ang naging host country. Ayon sa dating Department of Tourism Secretary na si Wanda Teo, ginawa ito ng Alkalde upang matuloy ang naturang pagent sa ating bansa.


Hindi naman lingid sa publiko kung gaano ba kayaman si Chavit. Dahil ang mga alaga pa lamang nitong mga hayop sa kanyang mansyon ay talaga namang mga high maintenance na.



Hindi rin nito itinatago sa publiko ang iba't ibang mamahaling koleksyon niya.


Nito lamang ay ipinasilip niya sa kanyang mga kaibigan at giliw na panauhin ang kanyang bonggang koleksyon ng gold bars.




May isang vlogger na nag upload ng video sa Youtube kung saan ay ipinasilip niya ang itsura ng mansyon ng mga Singson. Ipinakilala rin sa nasabing vlog ang napakagandang anak ni Chavit na si Chelsey.


Ang mga apo naman ni Chavit ay inutusan niya mamahagi ng pera sa mga taong naroroon sa kanilang tahanan.


Ngunit ang talaga namang pinagkaguluhan ng netizens ay ang ang nakakalulang koleksyon ng gold bars ni Chavit na talaga namang gumulat sa mga manonood.



Maging ang sikat na komedyante na si Long Mejia ay talagang napa-wow sa mga mabibigat na gold bars.


Ayon pa nga sa mga bisita ni Chavit ay parang mga tsokolate lamang ang mga ito na nakasalansan sa isang ref.

Narito ang kabuuan ng vlog:


Continue Reading

Si Ivana Alawi na nga ba ang maswerteng leading lady ni Gerald Anderson?

 Napapabalita ngayon ang bagong leading lady di umano ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson.


Maingay na pinaguusapan ngayon ang balitang makakasama umano ni Gerald Anderson sa isang teleserye ang sikat na vlogger na si Ivana Alawi.


Mas naging miangay pa ang balita ng magpost si Ivana sa kanyang social media account at sabihing, "New teleseryesoon" kalakip pa nito ang three heart emojis na kulay ng logo ng ABS-CBN.


Bibida sana sa isang teleserye si Ivana noon pa, ito'y matapos niyang pumirma ng kontrata sa Kapamilya network. Ngunit ng dahil sa pandemya ay naudlot ito.


Kung kaya't marami ang naexcite ng magpost ang dalaga lalong lalo na ang mga fans niya. Halatang hindi na makahintay ang mga ito na muling mapanood ang kanilang idolo sa TV screen.


Marami ang napaisip kung sino nga ba ang magiging leading man ni Ivana. Marami rin ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon ng mapabalitang si Gerald Anderson ang ipapareha sa kanya.


May mga nagsabi pa na dapat ng kabahan ang kasalukuyang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto dahil dito.


Kilala kasi si Gerald na palaging nali-link o nai-issue sa kanyang maga nagiging leading lady kahit pa mayroon na itong girlfriend.


Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:










Continue Reading

Toni Fowler, matapos magpasikip, nagpasingkit!

 Hindi na nga mapipigilan ang vlogger na si Toni Fowler sa pagpapabago ng kanyang itsura.


Sa pinakahuling vlog ni Toni na may tittle na 'Nasosobrahan nako sa retoke | fox eyes', ibinahagi niya ang naging proseso ng pagpapagawa niya ng kanyang mata.


Pumunta siya sa isang clinic kung saan ginawa ang proseso ng isang doktor.


Nilagyan muna ng anesthesia ang mukha niya saka itinuloy ang pag tahi sa kanyang mukha upang ma-achieve ang minimithing fox eyes ng vlogger.


Ayon kay Toni ginawa niya ito dahil masyadong malungkot ang korte ng kanyang dating mata.


"Eversince pa po ayan yung mata ni Mommy Oni, sobrang malungkot po talaga. At syempre gusto ko talaga maexperience yung mataray look which is yung fox eyes, kaya ko talaga yan ginawa"Ani toni


Ipinakita ni Toni ang before and after ng kanyang pinaretokeng mata. At malaki talaga ang pinagbago nito sa dati niyang itsura.



"at syempre mapapansin nyo kumapal ang labi ko, nasundan pa 'yon. Nagpafillers pa si mommy Oni"



Kilala si Toni na marami nang ipinaretoke sa katawan. Ilan sa kanyang ipinagawa ay ang kanyang ilong, puwetan at dibdib.



Ang isa sa pinag usapan ng husto na ipinagawa niyang proseso ay ang pagpapasikip niya ng kanyang pribadong parte. Aniya, paghahanda ito para sa susunod niyang magiging nobyo.



Samantala, natatawa naman ang anak ng vlogger na si Tyronia dahil hindi umano niya mabasa ang mood ng kanyang ina dahil singkit at iisa lang ang reaksyon ng mukha nito.


Sinabi naman ng vlogger na kaya ganoon pa ang itsura niya ay dahil magang maga pa ang kanyang mukha at magbabago pa ito paglipas ng mga araw.

Umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang vlog na ito ni Toni na umabot na sa halos 1m views.


May mga nagsabi na maganda na noon pa man si Toni kung kaya't sana ay itigil na nito ang pagpaparetoke dahil tila nasosobrahan na siya sa pagpapagawa ng kung ano ano sa kanyang katawan.


May ilan naman na todo suporta sa vlogger at sinasabing gawin lang nito ang makakapagsaya sa kanya dahil deserve naman niya ito.

Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens.










Narito ang kabuuan ng vlog ni Toni.



Continue Reading