Nakakalulang koleksyon ng gold bars ni Chavit Singson, ipinasilip sa kanyang mga bisita!

AWIT


Kakaiba at mamahaling koleksyon ng sikat na politician at negosyanteng si Chavit Singson, trening ngayon.


Isa ang 80-taong gulang na si Luis Crisologo o mas kilala bilang Chavit Singson sa mga sikat at talaga namang namamayagpag ang pangalan sa larangan ng pulitika at pagnenegosyo.


Bukod sa pagiging Gobernador noon ng Ilocos Sur at alkalde sa kasalukuyan, ay nagmamay-ari rin siya ng LCS Group of Companies.


Naging maingay ang pangalan ni Singson ng magdonate ito ng hindi bababa ng 11 million dollars sa ginanap na Miss Universe noong 2017 kung saan Pilipinas ang naging host country. Ayon sa dating Department of Tourism Secretary na si Wanda Teo, ginawa ito ng Alkalde upang matuloy ang naturang pagent sa ating bansa.


Hindi naman lingid sa publiko kung gaano ba kayaman si Chavit. Dahil ang mga alaga pa lamang nitong mga hayop sa kanyang mansyon ay talaga namang mga high maintenance na.



Hindi rin nito itinatago sa publiko ang iba't ibang mamahaling koleksyon niya.


Nito lamang ay ipinasilip niya sa kanyang mga kaibigan at giliw na panauhin ang kanyang bonggang koleksyon ng gold bars.




May isang vlogger na nag upload ng video sa Youtube kung saan ay ipinasilip niya ang itsura ng mansyon ng mga Singson. Ipinakilala rin sa nasabing vlog ang napakagandang anak ni Chavit na si Chelsey.


Ang mga apo naman ni Chavit ay inutusan niya mamahagi ng pera sa mga taong naroroon sa kanilang tahanan.


Ngunit ang talaga namang pinagkaguluhan ng netizens ay ang ang nakakalulang koleksyon ng gold bars ni Chavit na talaga namang gumulat sa mga manonood.



Maging ang sikat na komedyante na si Long Mejia ay talagang napa-wow sa mga mabibigat na gold bars.


Ayon pa nga sa mga bisita ni Chavit ay parang mga tsokolate lamang ang mga ito na nakasalansan sa isang ref.

Narito ang kabuuan ng vlog:


2nd Mgid