Toni Fowler, matapos magpasikip, nagpasingkit!

AWIT

 Hindi na nga mapipigilan ang vlogger na si Toni Fowler sa pagpapabago ng kanyang itsura.


Sa pinakahuling vlog ni Toni na may tittle na 'Nasosobrahan nako sa retoke | fox eyes', ibinahagi niya ang naging proseso ng pagpapagawa niya ng kanyang mata.


Pumunta siya sa isang clinic kung saan ginawa ang proseso ng isang doktor.


Nilagyan muna ng anesthesia ang mukha niya saka itinuloy ang pag tahi sa kanyang mukha upang ma-achieve ang minimithing fox eyes ng vlogger.


Ayon kay Toni ginawa niya ito dahil masyadong malungkot ang korte ng kanyang dating mata.


"Eversince pa po ayan yung mata ni Mommy Oni, sobrang malungkot po talaga. At syempre gusto ko talaga maexperience yung mataray look which is yung fox eyes, kaya ko talaga yan ginawa"Ani toni


Ipinakita ni Toni ang before and after ng kanyang pinaretokeng mata. At malaki talaga ang pinagbago nito sa dati niyang itsura.



"at syempre mapapansin nyo kumapal ang labi ko, nasundan pa 'yon. Nagpafillers pa si mommy Oni"



Kilala si Toni na marami nang ipinaretoke sa katawan. Ilan sa kanyang ipinagawa ay ang kanyang ilong, puwetan at dibdib.



Ang isa sa pinag usapan ng husto na ipinagawa niyang proseso ay ang pagpapasikip niya ng kanyang pribadong parte. Aniya, paghahanda ito para sa susunod niyang magiging nobyo.



Samantala, natatawa naman ang anak ng vlogger na si Tyronia dahil hindi umano niya mabasa ang mood ng kanyang ina dahil singkit at iisa lang ang reaksyon ng mukha nito.


Sinabi naman ng vlogger na kaya ganoon pa ang itsura niya ay dahil magang maga pa ang kanyang mukha at magbabago pa ito paglipas ng mga araw.

Umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang vlog na ito ni Toni na umabot na sa halos 1m views.


May mga nagsabi na maganda na noon pa man si Toni kung kaya't sana ay itigil na nito ang pagpaparetoke dahil tila nasosobrahan na siya sa pagpapagawa ng kung ano ano sa kanyang katawan.


May ilan naman na todo suporta sa vlogger at sinasabing gawin lang nito ang makakapagsaya sa kanya dahil deserve naman niya ito.

Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens.










Narito ang kabuuan ng vlog ni Toni.



2nd Mgid