Ruffa Gutierrez, inirereto nga ba ang mga anak sa kay Jimuel Pacquiao?

AWIT

 

Sinagot ni Ruffa Gutierez ang mga aligasyon sa kanya na ipinapareha o inirereto nya umano ang kanyang mga anak kay Jimuel Pacquiao.



Nagsimula ang lahat ng magpost ng larawan itong si Jinkee Pacquiao sa kanyang instagram account kung saan kasama nya sina Annabelle Rama, ang mag iinang Ruffa, Venice, at Lorin Bektas at ang anak na si Jimuel habang naghahapunan.


Ganito rin ang ipinost ni Ruffa sa kanyang instagram account.


Masasabing ito ay bonding lamang ng magkakaibigan dahil matagal naring hindi sila nagkikita dahil sa pandemya.


Dahil sa mga larawang ito, maraming intriga ang ibinato sa former beauty queen.

Nagalit si Ruffa sa isang artikulo na naisulat ni Jun Lalin ng Abante.



Nalaman ni Ruffa na maraming nagsasabi na ipinapareha niya ang kanyang mga anak na si Lorin at Venice kay Jimuel Pacquiao. 

Hindi umano nagustuhan ni Ruffa ang balitang ito sapagkat kahit manliligaw ay hindi nya pinapayagang magkaroon ang mga ito.


"Hindi ko inirereto kay Jimuel o kahit kanino ang mga anak ko! Family friend namin ang mga Pacquiao. Noon pa friends kami. We had  happy ang wholesome dinner. Ni halos hindi nga nag uusap yung mga bata. Halos tahimik lang  si Jimuel and my kids" Paliwanag ni Ruffa.


"Saka ang daldal ni Mommy, syempre, halos puro kami nina Jinkee ang nagsasalita. Nagkukwentuhan. Hindi ba pwedeng maging friends? Na family friends at hindi yung gagawan ng ganyang intriga? Please!!!"Saad pa ni Ruffa.


Nakiusap si Ruffa na tigilan ang paggawa ng intriga sa pagitan ng ga bata at ng kanilang pamilya.

ad7


Nilinaw rin ni Ruffa na hindi nya pinilit ang kanyang ina na pumunta sa tahanan ng mga Pacqiuao sa Makati City.



Sinabi niyang ang kanyang ina ang nakipag usap kay Jinkee at nagkataon lamang na kasama sila ng kanyang ina nung mga oras na iyon.





Anong masasabi mo sa balitang ito? maari mong ibahagi sa amin ang iyong reaksyon. Mag-comment lamang sa ibaba!

2nd Mgid