Xyriel Manabat blooming sa mga napaka-gandang mga diamond na hikaw!

AWIT

   

Usap usapan ngayong ang dating child star na si Xyriel Manabat dahil sa kanyang malaking pasabog.



Nagkakagulo ngayon ang netizens sa mga larawan na ipinopost ni Xyriel dahil mula sa pagiging batang aktres ay nag-transform ito sa pagiging magandang dalaga.



Unang nakilala si Xyriel sa teleseryeng Agua Bendita na ipinalabas noon 2010. Ito ay pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. Gumanap siya bilang batang kambal na magkapatid na sina Agua at Bendita.


Matapos magmarka ang mahusay na pag ganap ni Xyriel sa nasabing teleserye ay nagsuod sunod na ang proyekto nito sa Kapamilya network.


Gumanap rin siya bilang batang Madam Anna na karakter ni Connie Sison sa 100 days in Heaven at batang Lily Cruz o Ivy Aguas sa programang Wildflower na piangbidahan ni Maja Salvador.



Simula nga noon ay hindi na napigil ang pagsikat ng batang aktres. Nagpahinga lamang siya sandali sa showbiz matapos ang ilan niyang teleserye upang ipagpatuloy ang kanyang pag aaral.


Ngunit gumagawa nanaman ng ingay ang batang aktres matapos niyang ipost ang kanyang nag gagandahang mga larawan.


Kailan lang ay nagpost ang 18 year old na dalaga tungkol sa kanyang na-achieve na bucket list. Aniya December ng nakaraang taon pa nya talaga ito plano ngunit ngayon lamang niya naisakatuparan.


Nagpalagay ang young actress ng diamond piercing sa gitna ng kanyang dibdib na talaga namang bumagay sa kanya.


Marami ang nagsabi na sila mismo ang nasåsåktan sa pinagawa o pinalagay ni Xyriel na diamonds sa kanyang katawan.


Ngunit mababakas naman sa mukha ng dalaga ang saya na sa wakas ya napagawa na niya ang mtagal na niyang plano sa kanyang sarili.


Umani naman ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang ginawang ito ni Xyriel. narito ang ilang sa kanila.










2nd Mgid