Charice, Milyon Milyon ang Ginastos para maging si Jake Zyrus

AWIT
Ibinunyag ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin na malaking pera umano ang nagastos ni Charice upang maging si Jake Zyrus.

Sa pinakahuling live ng online show ni Cristy Fermin na CristyFerminute, ibinunyag ng kolumnista na milyones ang nagastos ni Jake upang makamit ang kanyang pangangatawan ngayon.

Matatandaang nagviral ang larawan na in-upload ni Jake sa kanyang Instagram account kung saan proud na ipinakita nito ang kanyang machong machong katawan.

Umani ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens at pati narin sa ilang mga showbiz personalities.

Ani Jake, matagal syang humugot ng lakas ng loob upang maibahagi ang larawan niyang ito at proud sya sa nakikita niya sa katawan niya ngayon.

Komento ni Cristy sa trending photo ni Jake, "para lang syang lalaking araw araw na nakatira sa gym na may abs tsaka nagkaroon ng dibdib. Pero alam mo lungkot na lungkot ako talaga ng makita ko 'yan. Isipin mo noh, si Charice noon ganito na ngayon."


Sa dami ng báshers ni Jake sa kanyang post ay hindi na naiwasan ni Cristy na sabihin na wala naman na magagawa ang mga tao dahil ito ang ikaliligaya ni Jake.

"Ano po ang magagawa natin? eh sya na ang nagsasabi na maligaya na sya sa itsura niya ngayon."

Dagdag pa ng batikang kolumnista umubos ng milyones si Charice para sa kanyang itsura ngayon.

"Yung pagiging transgender niya naging matagumpay sya. Ilang milyon ang nagastos ni Charice dyan. Ilang milyon 'yan, isipin mo nakakaloka, na nakakalungkot, na nakakatuwa ewan ko ba!"

Hindi nya umano alam kung saan nya kukuhanin ang emosyon niya dahil naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman.

Nakita raw niya kasi ang paglaki ng singer. Nakita niya ito na batang paslit pa lamang na nakabistida, may hawak na manika at nakatirintas. Ngunit ngayon ay lalaking lalaki na ito.

Pero sana umano ay maging happy na lamang tayo sa na- achieve ni Jake dahil ito ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

Narito ang video:
2nd Mgid