Isang lalaki na hindi matanggap sa trabaho, siyam na beses nagparetoke para gumwapo

Isang binata sa Vietnam ang siyam na ulit nagparetoke upang matanggap sa trabaho
Sa ating henerasyon ngayon, madalas na nagiging basehan ang panlabas na kaanyuan ng isang indibiwal.

Maraming dahilan kung bakit ginagawa ito ng nakararami sa ngayon. Maaring dahil gusto ng self confidence o gustong magbago ang pananaw sa sarili at maging proud.

May ilan naman na may gustong makamit, tulad na lamang ng isang lalaking ito na nagpartoke upang matanggap sa nais niyang pasukang trabaho.

Sa katunayan, viral ngayon ang lalaking ito sa bansang Vietnam. Isang binatang siyam na beses sumailalim sa operasyon o plastic surgery  dahil ilang ulit siyang hindi tinatatanggap sa nais na pasukang trabaho.

Ang lalaking ito ay nagngangalang Do Quyen na viral na viral ngayon sa Tiktok.

Ipinakita kasi ni Do Quyen ang kanyang hitsura bago niya iparetoke ang kanyang mukha ng siyam na beses.

Hindi makapaniwala ang mga followers niya sa ipinakitang larawan dahil sa napakalaking pagkakaiba nito sa itsura niya ngayon.


Tila ba magkaibang tao ang before and after na mga pictures niya.

Pag aminin ni Do Quyen, ilang ulit niyang naranasan na pagtåwān ng maraming tao at tùksùhìn dahil sa kanyang hitsura.

Nakaapekto na umano ito sa kanyang tiwala sa sarili at self esteem. Dahil  kahit saang kumpanya umano siyang sumubok na mag apply ay lagi siyang umuuwing bigo.

Hindi siya matanggap dahil ang unang nakikita sa kanya ay ang kanyang pisikal na katangian at hindi ang kanyang natural na kagalingan.

Ito umano ang nagtulak sa kanya upang sumailalim sa operasyon ng siyam na beses.

Kabilang sa mga prosesong pinagdaanan ni Quyen ay ang mga sumusunod: rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.

Umabot sa US$17,256 o katumbas ng P847,977 ang kanyang nagastos para sa mga nasabing surgeries.

Pag amin ng binata, tutol sakanyang pagpapa retoke ang kanyang mga magulang ngunit pursigido siyang baguhin ang kanyang katangiang pisikal, hindi para sa ibang tao kundi para sakanyang sarili.
2nd Mgid